Feeds:
Posts
Comments

Posts Tagged ‘oil deregulation law’

Sektor ng Transportasyon Magkaisa, Tutulan ang Balikatan

Magsasagawa ng protesta ang sektor ng transportasyon sa pangunguna ng CONDOR-Bicol, ng BUSINA LABAN SA BALIKATAN simula 5:00-5:30 ng hapon ngayong araw, Pebrero 20, 2009 para ipahayag ang pagtutol sa isasagawang ika-25 BALIKATAN Exercise na gaganapin dito sa Bicol at sa iba pang bahagi ng bansa.

Naniniwala ang CONDOR na panabing lamang sa tunay na pakay ng Estados Unidos ang “humanitarian missions” ng BALIKATAN Exercise. Kapalit ng mga serbisyong gamot, daan at repair ng mga paaralan ay sisingilin tayo ng mas pinatinding mga polisiya sa pulitika, ekonomiya at militar para patuloy na makapagdomina ang kanilang bansa. Ang katangiang  ito ng US ay pinatunayan ng maraming karanasan mismo ng ating bansa at iba pang mga bansa sa daigdig.

Tinututulan ng sektor ng transportasyon ang dominasyon ng Estados Unidos dahil numero unong nagpapahirap sa sektor ang mga polisiyang imposisyon nito sa bansa gaya ng Oil Deregulation Law, ang 12% Vat sa langis at ang bago ngayon na 200-1,200% na pagtaas sa mga babayaran sa mga traffic at administrative violations at at mga administrative fees at charges sa driver’s at conductor’s license na ipapatupad sa ilalim ng LTO Department Order #2008-39 at Department Order 2008-38 na nakatakdang iimplementa ngayong taon.

Dagdag na pasanin ito sa sektor ng transportasyon na patuloy nang dumaranas na higit na kahirapan dahil sa pagbapabago-bagong presyo ng mga produktong petrolyo, nagtataasang  presyo ng mga peyesa, samu’t saring bayarin sa pagkuha ng prangkesa, rehistrasyon, nagtataasang bilihin, at sebisyo sosyal. Napakalinaw ng motibo ng DOTC at LTO na ang pagpataw ng mga dagdag na bayarin ay hindi upang disiplinahin ang sektor kundi patuloy na gatasan o pagkakitaan ng gobyerno ang dugo at pawis ng buong sektor ng trasportasyon upang magkamal ng malaking pera para sa kanilang mga layaw at interes dahil sa talamak ng na korapsyon ng pamahalaang ito. Ang pera na dapat sa ay mapupunta na sa mga hapag kainan ng aming pamilya ay legal na nanakawin at pagpapapasasaan.

Kung kaya kami kasama ang buong pamilya namin at mga mamamayan ay tumututol sa lahat ng anyo ng maniobra ng Rehimeng Arroyo at Estados Unidos para mandambong sa mamamayang Pilipino at sa yaman ng ating bansa.

Mariin naming tinututulan ng BALAKATAN Exercise, ang Visiting forces Agreement at mga polisiyang direktang tumatama sa aming sektor.

TUTULAN ANG DOMINASYON NG ESTADOS UNIDOS SA LARANGAN NG PULITIKA,EKONOMIYA AT MILITAR NG ATING BANSA!

Ibasura ang Oil Deregulation Law, 12% VAT sa langis,

TUTULAN ANG PANIBAGONG  DEPARTMENT ORDER #2008-39 AT DEPARTMENT ORDER 2008-38 NA 200-1,200% PAGTAAS SA MGA PENALIDAD NG SEKTOR NG TRANSPORTASYON.

– CONDOR – PISTON – BIKOL

Reference: Joel Ascutia, President

Read Full Post »