Feeds:
Posts
Comments

Posts Tagged ‘lambat-bikol’

Fisherfolks burn US flag to signify their strong opposition to US-RP Balikatan in Bicol

Fisherfolks burn US flag to signify their strong opposition to US-RP Balikatan in Bicol

Advertisements

Read Full Post »

poster-copy-33LAMBATIN ANG BALIKATAN SA BIKOL

Reference: Salvador “Baddy” France Chairman- LAMBAT-Bikol

Contact No: 435-5211 or 09089499604

Hitsa ng mga mangingisda sa Bikol para sa pangisdaan at kalikasan, kabuhayan at kapayapaan.

Magkakaroon ng”Fluvial Protest” o Paglalayag Laban sa Balikatan ang mga mangingisda ng Albay sa pangunguna ng LAMBAT-BIKOL

Petsa at Oras: March 16, 2009/ 8:00am- 11:00am

Oras ng programa sa Legazpi City Port: 9:00 am- 11:00am

Ang dambuhalang oktopus sa daigdig na kinakatawan ng imperyalistang US na pangunahing sumisipsip at nagpapahirap sa kabuhayan ng mga mamamayan lalo na sa mga magsasaka at mangingisda ay nanghihimasok din sa ating soberanya. Dadaong ngayong Marso sa Kabikolan ang mga US warship para sa RP-US Balikatan Exercises.

Sa gitna ng sobra-sobrang paghihirap ng mga mangingisda sa Bikol dulot ng samu’t-saring dahilan tulad ng:

  • maliit na huli ng isda sa dagat dahil nilason na ng operasyon ng Lafayette ang dagat sa Albay Gulf
  • palagiang pagkakaroon ng red tide sa karagatan ng Sorsogon,
  • pagpasok at paglimas sa yamang dagat ng mga commercial fishing vessels sa mga munisipyong pangisdaan sa Ragay Gulf, Masbate at Camarines Norte,
  • pagpapalayas sa mga mangingisda na nakatira sa mga baybayin para bigyang daan ang mga proyektong eko-turismo ng gubyerno katulad ng nangyayari sa Embarcadero sa Legazpi City, at iba pang mga beach resorts na dinidevelop sa Caramoan, Camarines Sur.

Mas pinalalala ang kalagayang ito ng makadayuhan at pabor sa mga kapitalistang mga batas at programa ng gubyerno tulad ng Fisheries Code, Agricultural and Fisheries Modernization Act, Mining Act of 1995 at gayundin ang kapabayaan at kawalan ng suporta ng gubyerno sa sektor ng mga mangingisda.

Ang lugmok na kalagayang ng mga mangingisda at magsasaka sa Bikol ang idinadahilan kung bakit andito daw ang mga Amerikanong sundalo para makatulong daw ang BALIKATAN na “humanitarian mission” nga daw ang isasagawa. Malaking kasinungalingan at kayabangan ito!

Hindi pa nga dumadating ang bulto ng mga sundalong Kano sa Bikol grabe nang pananakot, psywar, pambubugbog sa mamamayan, pangunahin sa mga magsasaka at mangingisda na hinahagupit na ng Balikatan clearing operations. Para sa paghahanda sa pagdating ng mga sundalong Amerikano, ang mga dadaungan at pupuntahan ng mga ito ay tinambakan na ng pwersa ng AFP.

Labis na pangamba ang nararamdaman ng mga mangingisada sa isinasagawang urban SOT sa mga kostal na barangay sa Albay at sa malawakang “clearing operations” ng AFP. Pinapatawag nila ang mga Brgy Councils at binibigyan ng babala ang mga mangingisda. Ang CMO unit ng Philippine Army ay nagtatalakay ng mga paninira laban sa mga organisasyong tumututol sa isasagawang BALIKATAN exercises sa Bikol. Ang Bureau Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sana ang ahensya na dapat na tumulong sa mga mangingisda, ay nagpalabas pa ng pahayag na magkakaroon daw ng anim na buwang “fish ban” o pagbawal sa pangingisda sa loob ng 15 kilometrong perimeter mula sa baybaying dagat sa mga lugar na kung saan dadaong ang mga barko ng US troops.

Sa kalagayang may presensya ng napakaraming militar sa kostal na mga barangay sa Albay, malaki ang posibilidad na tataas pa ang mga insidenteng tulad ng pambabaril at pagpatay sa mangingisdang si Domingo Barbado sa Adiangao, San Jose, Camarines Sur.

Ang salaysay ng mga mangingisda ng Adiangao, wala silang mahuli ng araw na iyon kaya nagpasiya silang bumalik sa pampang ng Adiangao. Bigla na lamang silang hinarang ng bangka ng BFAR. Nakasakay sa bangka ng BFAR-Task Force Kalikasan ang humigit-kumulang 20 kalalakihan na armado ng mahahabang baril. Kasabay sa grupong ito si Mayor Jaime Delena ng Presentacion, naka-sibilyan subalit armado rin ng mahabang baril. Pinagbabaril ang walang kalaban-labang mga mangingisda. Mula noong Marso 3, walang nangingisda mula sa mga taga-Adiangao at maging sa mga taga-Presentacion, Camarines Sur.

Hindi papayag ang mga Bikolanong mangingisda sa ganitong sitwasyon.

Makikipagkaisa ang mga mangingisda at mga magsasaka sa iba’t-iba pang sektor at malawak na mamamayan upang ipaglaban ang kaligtasan at kapakanan ng mga mangingisda at magsasaka.

Tutulan ang pandarambong ng US ating likas na yaman.Pangalagaan ang ating karagatan, kalikasan at kabuhayan.

Tutulan ang militarisasyon sa kalunsuran at kanayunan.

Ibasura ang VFA upang matigil ang Balikatan exercises, at mapalayas ang US troops sa bansa.

Proteksyonan ang buhay at kabuhayan ng mga Bikolano.

Proteksyonan ang kalikasan at kapayapaan ng mga komunidad ng Bikol.

Read Full Post »