Feeds:
Posts
Comments

Posts Tagged ‘alma laban masbate’

Nakatakdang ikasa ng BAN BALIKATAN-Bikol, mga alyansang nabuo sa mga probinsya ng rehiyong Bikol tulad ng UMALAB-CA ng Camarines Sur, SUMABA KA ng Sorsogon, ALMA-ALAB ng Albay, ALMA-LABAN ng Masbate at Youth Stop Balikatan ng mga kabataan sa rehiyon (YSB-Bikol).

Mainit namang debate saan mang bahagi ng bansa ang Visiting Forces Agreement dahil sa kaso ni Lance Corporal Daniel Smith at maging ang Senado at Kongreso ay nababahala dahil sa usapin ng Integridad at Soberanya ng bansa ang nakataya na niyuyurakan ng bansang Estados Unidos na patuloy namang sinasamba ng mga alipuris nito sa administrasyong Arroyo.

Ang Balikatan 2009 ay ika-25 military exercises na sa ating bansa at ang pakikilahok ng sundalong amerikano sa usaping internal ng ating bansa ay hindi kailanman ginagarantiya ng konstitusyon ng Pilipinas at maging ang VFA ay hindi naman kinakilala sa bansang Estados Unidos. Ang ipinagmamalaking Humanitarian Missions ay pantabing lamang at pansuhol upang patahimikin ang mamamayang tumututol dahil sa benepisyong maibibigay nito sa ating mga kababayan ngunit maliit na bahagi lamang ito dahil ang pinakalayunin ng Balikatan ay war-games.

Sa huling bisita ng Chief of the Armed Forces of the Philippines na si General Alexander Yano sa rehiyong Bikol binanggit nito sa mga panayam ng media na nakahanda diumano ang AFP na kanselahin ang Balikatan Exercises sa Bikol kung ang VFA ay may depekto. Ngunit para sa mga bikolanong dumarami ang hanay ng mga tumututol ay maaring tuluyang mahinto lamang ang Balikatan sa Bikol at buong bansa sa sama-samang pagkilos ng sambayanan at tuligsain ang pamahalaang Arroyo sa pagiging bulag, bingi at inutil sa kawalang aksyon at pagpapaka-tuta sa imperyalismong US.

Ayon kay Ken Serrano tagapagsalita ng UMALAB-CA, “wala ng makakapigil sa Sakbayan ng Mamamayan Laban sa Balikatan sa loob ng rehiyong Bikol na hinati sa dalawang bahagi. Merong magsisimula sa probinsya ng Sorsogon at may magmumula din sa Camarines Norte na sisimulan sa Pebrero 23 hanggang 25 ngayong taon kasalukuyan at nakahanda na ang lahat ng rekisitos upang walang maging dahilan ang AFP at PNP sa ating rehiyon na antalain o pigilan sa pamamagitan ng mga checkpoints ang mamamayang tutol sa Balikatan.”

Dagdag pa ni Ken, “buong lakas na lalabanan ng makabayang mamamayang bikolano at ng mga kasaping alyansa ng BAN BALIKATAN-Bikol ang Balikatan Exercises na ito sa ating rehiyon dahil sa loob ng mahigit 100 taon na pagkakatali ng bansang Pilipinas sa Imperyalistang US ay nananatili pa ring atrasado at nasa ilalim ng kontrol ekonomiya, pulitika at militar at nawawala ang esensya ng pagiging malaya ng bansa na mula pa noon ay pinaiikot sa kamay ng iilan lamang ang kalayaan at demokrasya.”

Inaasahang libo-libong bikolano ang dadagsa sa Sakbayan ng Mamamayan Laban sa Balikatan upang irehistro ang pagtutol, igiit ang integridad at soberanya, wakasan ang panghihimasok ng US sa ating bansa at ipaglaban ang kalayaan ng bansa sa kamay ng Imperyalismong US.

Dagdag pa nito, “walang karapatan ang AFP/PNP na harangin an gaming delegasyon saan mang panig ng kabikolan na dadaanan ng Sakbayan dahil karapatan naming ipahayag ang aming saloobin, karapatan naming makapagsagawa ng malayang asembliya at pagtitipon at kung patuloy na lalabagin ito ng AFP o PNP ay nakahanda kami na harapin ang mga ito at maging ang mga makabayang Abogado na sumisimpatiya ay nakahandang tumulong sakaling i-harass ang mobilisasyon.”

Advertisements

Read Full Post »