Feeds:
Posts
Comments

Posts Tagged ‘against vfa’

Press Release
Reference: Ken Serrano, Spokeperson of UMALAB-CA

“Visiting Forces Agreement, Ibasura! Manindigan para sa Soberanya at Integridad ng ating Bansa!”

Nitong nakaraang linggo lamang ay dineklara ng Korte Suprema at kinikilala ang Visiting Forces Agreement (VFA) na konstitusyonal sa botong 9-4 pabor sa VFA ngunit tanging ang Pilipinas lamang ang kumikilala dito at ang bansang Estados Unidos ay hindi kailangang pilitin na ipatupad dahil walang ratipikasyon na isinagawa ang US sa sarili nitong batas.

Malaking insulto sa ating bansa na ipagpilitan na konstitusyonal ang VFA gayung hindi naman kinikilala ng US ang kasunduang ito laluna sa kinasangkutang kaso ni Lance Corporal Daniel Smith sa usaping kostudiya ng Pilipinas at ikulong sa National Bilibid Prison dahil sa pagkakasala nito sa ating batas sa panggagahasa kay “Nicole”.

Isang malaking hamon ito sa ating mga mambabatas kung kaya’t ang mga kinatawan ng militanteng grupo sa loob ng mababang kapulungan ay naghapag ng resolusyon ang House Resolution 458 that calls for the abrogation of the VFA in light of the many cases of US troops’ violations of Philippine laws (Including the case of Lance Corporal Daniel Smith) noon pang Pebrero 12, 2008 at hanggang sa ngayon ay patuloy na isinusulong.

Maituturing din na pagyurak ito sa ating Soberanya at Integridad bilang isang bansang nagsasarili ngunit sa esensya ay kontrolado ng Imperyalismong US. Ang VFA ay higit pa sa kanyang pakahulugan sa “Visiting Forces” dahil hindi lamang pagbisita ng mga sundalo ang layunin ng Balikatan kundi  pananatili ng pwersa ng US sa ating bansa sa anumang oras, panahon, panig ng bansa na gugustuhin ng US Troops na mistulang napakalaking base militar ang buong kapuluan ng bansa ng walang limitasyon.

Naniniwala din kami na maninindigan ang ilang makabayang lehislador sa Senado at Kongreso upang hadlangan ang VFA at tuluyang maibasura o maratipika ang mga probisyong makaisang panig na pumapabor lamang sa Estados Unidos at ang sambayanang Pilipino ay titindig upang labanan ang labis na pagsasamantalang ito sa ating bansa.

Mariing tutulan ng UMALAB-CA o Ugnayan ng Mamamayan Laban sa Balikatan-Camarines Sur Alliance ang Balikatan ’09 sa rehiyong Bikol. Hinihimok din namin ang mga makabayang Bikolano na manindigan laban sa Balikatan ’09 at VFA.

Read Full Post »